Kakaunti lang ang pinili kong mahalin.
May mga pagkakataong inakala kong nilimot
na nila ako kung kaya’t gayundin ang ginawa ko.
Ngunit sa isang banda,hinimok ko ang aking sarili na muling
pagbigyan ang panahon. Pagka’t ito’y hindi na maaring ibalik pa.
Tulad ng mga sulat na naitabi ng matagal na panahon.
At nariyan ang pagkakataon na ito’y muling basahin…
at maramdaman muli ang ganung uri ng saya..kung saya pa rin
nga ba ang dulot nito..o lungkot o pighati ng nakalipas
At ang liham ay naging saksi sa isang pagkakaibigan
May mga ala-alang ito’y binalik at sa isang saglit
animo’y naroon ka ngang muli sa panahong minsa’y nalimot na…
o pilit mong nilimot…
Dumating ang damdaming haharapin muli….
Handa na nga ba ako?
Ninais ko pa ring mabuhay sa kabila ng
lahat ng sugat.. na kayang ihilom ng panahon…..
Ngunit hindi ang mga pagkakataon ng pagpapasya.
At dahil dito, natuto akong humiwalay.
sa mga bagay bagay pagkat ang lahat din ay mawawala..
walang permanente..
Maliban na lang sa pag-ibig
Ngunit hindi ba’t ang pag-ibig ay umiibsan din at nawawala?
Ang paghihiwalay,tulad ng paglimot ay hindi nangangahulugang hindi mo ito
papayagan manahan sayo ng buong-buo…
kundi dapat nga ay ganun..
isakatauhan… ang sakit, saya, lungkot.
Ang pagka-buhay natin at realidad ng kamatayan.
Sa ganitong paraan ay maaari natin iwan ito
at humiwalay.
At dahil nga dito..nagagawa ko pang mabuhay
Sa tulong mo din kaibigan…
Isa sa mga kakaunting sino na minahal ko.
Ano kaya ang hatid ng susunod na panahon?
Magkikita pa kaya tayo?
Maaalala ko kaya ang uri ng kasayahang dulot ng dahilan?
Ng mga nakakatuwang kalungkutan?
At ng takot ng paghihiwalay..
Sana’y hindi na…
Sana’y patuloy itong mamuhay…
At sa mga larong isip natin na ako lamang
pala ang umaawit ng pag-aaakalang nagbunga
sa pait ng matamis na luha… kung meron mang ganun..
Sabayan mo naman ako…
Sa muling pag-ihip ng hangin sa pagod
ko nang mukha…
Maalaala mo sana….
2:01 AM